|
||||||||
|
||
BEIJING– Ipinatalastas ngayong araw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na babawasan ng kanyang bansa ng 300,000 ang bilang ng mga sundalo.
Ipinahayag ito ni Pangulong Xi sa kanyang talumpati bago magsimula ang V-Day Parade bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Mananalakay na Hapones at Ikalawang Pandaigdig na Digmaan.
Ipinagdiinan niyang ang nasabing desisyon ay nagpapakita ng resolusyon ng Tsina na gawing salamin ang kasaysayan at buong-tatag na pangalagaan ang kapayapaan.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |