|
||||||||
|
||
Ang sektor na panrelihyon ng Tsina ay nagdaos kahapon ng dasal na pangkapayapaan bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Pananalakay na Hapones at Ikalawang Pandaigdig na Digmaan, pag-alala sa mga nagbuwsis ng buhay para sa kapayapaan at pagpapahalaga sa kapayapaan.
Dumalo dito ang mga kinatawan mula sa limang pangunahing relihiyon ng Tsina na kinabibilangan ng Budismo, Taoismo, Islam, Katolisismo at Protestantismo.
Sa kanilang magkasanib na pahayag, inihayag nila ang kahandaan na magsikap, kasama ang mga counterpart na dayuhan, para makapag-ambag para sa pangmatagalang kapayapaan at komong kaunlaran ng buong daigdig.
Nananalangin para sa kapayapaan ang mga Budista sa Longquan Tempel sa Beijing, noong Sept. 4, 2015. (Xinhua/Ding Haitao)
Nagdaraos ang mga Taoista ng seremonya ng pagdarasal sa Baiyun Temple sa Beijing noong Sept. 4, 2015. (Xinhua/Zhang Ling)
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |