|
||||||||
|
||
Sa kasalukuyan, sadlak sa resesyon ang kabuhayan ng daigdig at nakakaranas naman ng malaking presyur ang kabuhayang Tsino. Pero, tinukoy ni Li na may talino ang mga mamamayang Tsino at may kakayahan ang pamahalaang Tsino na panatilihin ang paglaki ng kabuhayang Tsino. Aniya pa, noong unang kalahati ng taong ito, umabot sa 7% ang paglaki ng kabuhayang Tsina na naging napakataas sa buong daigdig.
Bukod ditto, isiniwalat ni Li na patuloy na pasusulungin ng Tsina ang reporma sa sistemang pinansiyal at palalawakan ang tsanel ng market access ng mga pribadong bangko at pondong dayuhan.
Nitong ilang araw na nakalipas, ang pagbaba ng halaga ng RMB ay nakatawag ng malaking pansin at ikinabahala ng ilang tao na baka maganap ang currency wars. Kaugnay nito, sinabi ni Li na sapul nang itatag ang kanyang pamahalaan, sa katotohanan, tumaas nang 15% ang exchange rate ng RMB, pero, dahil sa malaking pagbababa ng ibang salapi tulad ng dolyares, sinundan lamang ng Tsina ang tunguhin at isinaayos ang quote mechanism ng RMB middle rate nang kaunti.
Samantala, binigyan-diin ni Li na sapat ang foreign exchange reserve at dumaragdag pa ang trade surplus, ang lahat ng mga ito ay nagpapakitang puwedeng panatilihin ng Tsina ang katatagan ng exchange rate ng RMB sa makatwiran at balanseng lebel.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |