|
||||||||
|
||
Ayon sa patalastas na ipinalabas kamakailan ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC), nagpaplano ang Indonesia na muling sumapi sa OPEC. Ipinahayag din ng Indonesia ang pag-asang mapapagtibay ang aplikasyon nito sa sesyong plenaryo ng OPEC na idaraos sa Disyembre ng taong ito.
Ipinahayag ng OPEC ang mainit na pagtanggap sa nasabing plano ng Indonesia.
Umurong ang Indonesia sa OPEC noong unang araw ng Enero, 2009 dahil ang bolyum ng inangkat nitong langis ay lumampas sa produksyon nito.
Kung muling makakasapi ang Indonesia sa OPEC, magiging 13 ang miyembro ng Organisasyon.
Tagapagsalin/tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |