Dumalo kahapon ng hapon, local time, sa Los Angeles, Amerika, si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, sa seremonya ng pagpipinid ng kauna-unahang China-US Climate Leaders Summit.
Itinuring ni Yang ang summit na ito na mahalagang kilos ng pagpapatupad ng magkasanib na pahayag ng Tsina at Amerika hinggil sa pagbabago ng klima na ipinalabas noong isang taon ng mga lider ng dalawang bansa. Ito aniya ay magpapasulong sa pagtamo ng bunga sa aspekto ng pagharap sa pagbabago ng klima sa gagawing pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Amerika.
Sinabi rin ni Yang na ang summit na ito ay magandang pagkakataon, para ibayo pang gumawa ng pagsisikap ang Tsina at Amerika sa pandaigdig na kooperasyon sa pagharap sa pagbabago ng klima.
Salin: Liu Kai