|
||||||||
|
||
PATULOY na lumalaki ang padalang salapi ng mga manggagawang Filipino mula sa iba't ibang bansa. Ito ang ibinalita ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nagsabing umabot sa US$ 2.3 bilyon ang personal remittances sa buwan ng Hulyo 2015 at mas mataas ng 0.5% kung ihahambing sa buwan ng Hulyo 2014.
Ang personal remittances ay umabot sa US$15.7 sa nakalipas na Enero hanggang Hulyo 2015 na kinatagpuan ng 4.6%.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas officer-in-charge Nestor A. Espenilla, Jr. ang remittances mula sa land-based workers na may mga kontrata ng isang taon o higit pa ang lumago ng 5.4% samantalang ang sea-based at land-based workers na may mga kontratang mas mababa sa isang taon ay lumago rin ng 2.9%.
Ang paglago ng 0.5% sa personal remittances noong Hulyo ng 2015 ay mas mababa sa 7.3% na natamo noong Hulyo ng 2014.
Ito, ayon kay G. Espenilla, ay naganap dahilan sa depreciation ng mga salapi mula sa ibang bansa sa US dollar kaya't nabawasan ang dollar equivalent ng kanilang salapi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |