|
||||||||
|
||
HINDI kailanman nakikialam ang Tsina sa internal affairs ng iba't ibang bansa. Ito ang sinabi ni Bb. Li Lingxhaio, tagapagsalita ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas.
Naunang nagsabi ang Commission on Elections na nababahala silang mananabotahe ang Tsina sa darating na 2016 elections dahilan sa territorial dispute sa bansa.
Magugunitang sa pagdinig ng House of Representatives suffrage and electoral reforms committee, sinabi ni Commissioner Christian Robert Lim na mayroong intelligence report na ang Tsina ay maaaring manabotahe sa darating na halalan.
Ani Commissioner Lim, isang kasamang commissioner na may contact sa militar ang nagsabi ng impormasyon sa kanya.
Sa isang text message, sinabi ni Bb. Li na ang kasunduan sa vote-counting machines ay sa pagitan ng Comelec at Smartmatic na isang kumpanyang Americano.
Ang diumano'y pagtatangka ng Tsina na manabotahe sa halalan ay walang basehan at maliwanag na kathang-isip lamang, dagdag pa ni Bb. Li.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |