|
||||||||
|
||
NANINIWALA si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na marapat suportahan ang responsible mining. Ito ang kanyang talumpati sa Mining Philippines 2015 International Conference and Exhibition sa Solaire Resort and Casino kanina.
Niliwanag niyang isusulong ng kanyang pamahalaan ang tinaguriang environmentally at socially responsible mining sa pamamagitan ng pagbabalanse ng mga interes para sa matagalang panahon.
Nararapat lamang suportahan ang responsible mining practices samantalang nararapat gawing labag sa batas ang irresponsible mining sa ilalim ng kanyang liderato.
Dapat ding maging patas ang buwis na sinisingil sa pagmimina at naaayon sa pandaigdigang pamantayan.
Malaki ang potensyal ng industriya ng pagmimina sa ekonomiya na magiging susi tungo sa industriyalisasyon at pagkakaroon ng maraming hanapbuhay at kaunlaran sa mga barangay.
Atras-abante umano ang mga palatuntunan hinggil sa pagmimina. Sa nakalipas na mga pamahalaan, ani G. Binay, nabigyan ng maayos na pagtingin ang pagmimina subalit sa kasalukuyan, tila sinasabi ng karamihan na sa dahilang ito, na sa alanganin ang buong industriya.
Nawala umano ang pagmimina sa investment priorities ng pamahalaan sa pag-aalis ng lahat ng investment incentives maliban sa binabanggit sa Mining Act and National Internal Revenue code.
Kahit umano inalis na ang moratorium sa paglalabas ng exploration permits noong 2013, iisang exploration permit pa lamang ang naibibigay ng Mines and Geosciences Bureau.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |