Sinabi ni Xu Ningning, Direktor na Tagapagpaganap ng China-ASEAN Business Council (CABC) na nitong limang taong nakalipas sapul nang itatag ang China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA) noong 2010, 60% ng puhunang Tsino sa ibayong dagat ay inilagak sa mga bansang ASEAN. Ayon kay Xu, mula 2015 hanggang 2020, tinatayang aabot sa 100 bilyong dolyares ang karagdagang puhunan ng Tsina sa mga bansang ASEAN.
Ipinalalagay niyang ang mga preperensyal na patakaran ng Tsina at mga bansang ASEAN sa isa't isa at ang kanilang kalapitang heograpikal ay makakatulong sa pagpapahigpit ng pagtutulungan ng dalawang panig. Idinagdag pa niyang ang pagtutulungang Sino-ASEAN ay magpapasulong ng kanilang kakayahang kompetetibo sa pamilihang pandaigdig.