|
||||||||
|
||
BEIJING—Nanawagan kahapon ang Tsina sa pagtatatag ng bagong modelo ng relasyong pandaigdig na nagtatampok sa win-win cooperation at komunidad ng daigdig na may ibinabahaging tadhana.
Inilabas kahapon ng Ministring Panlabas ng Tsina ang dokumento bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng United Nations (UN). Lalahok si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa gaganaping UN Summit sa New York mula ika-26 hanggang ika-28 ng Setyembre.
UN, bunga ng tagumpay laban sa Pasismo
Ayon sa dokumento, ang UN ay bunga ng tagumpay laban sa Pasismo at sumasagisag ito sa at nagpapasulong ito ng kapayapaan at kaligtasan; kaunlaran at karapatang pantao--tatlong pillars nito. Ipinagdiinan din ng dokumento ang papel ng UN bilang pinakarepresentatibo at pinakamakapangyarihang organisasyon sa pagitan ng mga pamahalaan nitong 70 taong nakalipas.
Paggigiit sa Karta ng UN
Nanawagan din ang dokumento sa mga miyembro ng UN na manangan sa Karta ng UN, hikayatin ang komon, komprehensibo, kooperatibo at sustenableng seguridad, at pasulungin ang kooperasyon para sa kaunlarang pandaigdig.
Narito po ang link sa full text sa wikang Ingles ng China's Position Paper on the 70th Anniversary of the United Nations (Source: Xinhua)
http://news.xinhuanet.com/english/2015-09/22/c_134646111.htm
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |