|
||||||||
|
||
Sa Kunming, kabisera ng lalawigang Yunnan, Tsina-Idinaos dito kahapon ang pang-apat na theory symposium ng Partido Komunista ng Tsina(CPC) at Lao People's Revolutionary Party(LPRP). Dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng nasabing pagtitipon si Liu Qibao, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, kasama ng kanyang counterpart mula sa LPRP na si Somsavat Lengsavad.
Ang tema ng nasabing symposium ay "Inobasyon sa Pag-unlad at Pangangasiwa ng Lipunan."
Binigyang diin ni Liu Qibao na upang maisakatuparan ang sustenableng pag-unlad at malusog na pangangasiwa ng lipunan, dapat maisakatuparan ang pagbabahagi sa lahat ng mga mamamayan ng bunga na dulot ng kaunlarang panlipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti ng pamumuhay nito; patingkarin at ipakita, hangga't maaari, ang pananabik at kakayahan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pangangalaga sa katarungan ng lipunan; maayos na mapahupa ang salungatan ng lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti ng paraang pangangasiwa; mabuo at kompletuhin ang mga sistema at mekanismo na makakatulong sa kaunlarang panlipunan, batay sa pagpapalalim ng reporma at inobasyon; mabuo ang pinakamalawak na harmonyang panlipunan, batay sa pagpapalaganap ng nukleong ideyolohiyang panlipunan; at itayo ang paggarantiyang pampulitika sa konstruksyong panlipunan, batay sa pagpapalakas ng pamumuno ng naghaharing partido.
Inilahad naman ni Somsavat Lengsavad ang karanasan ng LPRP sa pagpapasulong at pangangasiwa sa lipunan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |