Ipinatalastas kahapon (local time) ng White House na sa ika-26 ng Oktubre, bibiyahe si Pangulong Joko Widodo ng Indonesia sa White House para makipag-usap kay Pangulong Barack Obama. Inaasahan ng panig Amerikano na pasisimulan ng relasyong Amerikano-Indones ang bagong yugto ng pag-unlad.
Sa isang pahayag na ipinalabas ng White House, sinabi nito na sa pag-uusap ng dalawang lider, tatalakayin nila ang tungkol sa kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng pagpapalawak ng suliraning pandepensa ng dalawang bansa, kalakalan, pamumuhunan, pagbabago ng klima, at enerhiya. Tatalakayin din nila ang hinggil sa isang serye ng isyung panrehiyon at pandaigdig.
Salin: Li Feng