Dumalo kahapon, local time, sa Seattle, Amerika, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa isang bangketeng panalubong na inihandog ng lokal na pamahalaan para sa kanya.
Sa kanyang talumpati sa bangkete, isinalaysay ni Xi ang kasalukuyang kalagayan ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina. Binigyang-diin niyang ang kaunlaran ay nananatiling pinakamahalagang tungkulin ng Tsina. Para rito aniya, igigiit ng Tsina ang reporma at pagbubukas, pangangasiwa sa bansa alinsunod sa batas, at mapayapang pag-unlad.
Salin: Liu Kai