|
||||||||
|
||
Nakipagtagpo kahapon ng hapon, local time, sa Seattle, Amerika, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kina Gobernador Jay Inslee ng Washington State, Alkalde Ed Murray ng Seattle City, at mga iba pang lokal na opisyal.
Positibo si Xi sa papel ng Washington State at Seattle sa pagpapasulong ng pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at Amerika.
Umaasa siyang ibayo pang pabilisin ng Washington State at Seattle ang pakikipagkooperasyon sa Tsina, lalung-lalo na sa mga aspekto ng manupaktura, bio-chemical technology, pangangalaga sa kapaligiran, at iba pa.
Mainam na tinatanggap ng mga opisyal ng Washington State at Seattle ang pagdalaw ni Pangulong Xi. Ipinahayag din nila ang kahandaang patuloy na magpatingkad ng positibong papel sa pagpapasulong ng relasyon at kooperasyong Sino-Amerikano.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |