Sa kanyang pananatili sa Seattle, dumalo at nagtalumpati kahapon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa ika-3 porum ng mga gobernador ng mga lalawigang Tsino at estadong Amerikano.
Positibo si Xi sa tema ng porum na ito hinggil sa malinis na enerhiya at pag-unlad ng kabuhayan. Ito aniya ay makakatulong sa pag-unlad ng low-carbon economy ng kapwa bansa.
Binigyang-diin din ni Xi na mahalaga ang kooperasyong lokal sa relasyon ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang patuloy na pasusulungin ng mga pamahalaang lokal ng Tsina at Amerika ang kanilang kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Salin: Liu Kai