Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, lalago ng may 6.0% ngayong 2015; makararating sa 6.3% sa 2016

(GMT+08:00) 2015-09-23 13:53:33       CRI

BAHAGYANG makakabawi ang Pilipinas kung kaunlaran ang pag-uusapan ngayong 2015 bago pa man sumigla ang ekonomiya sa 2016 sa paglago ng paggasta ng pamahalaan at mumunting pag-unlad ng exports. Ito ang pananaw ng Asian Development Bank.

Sa kanilang kalalabas na Asian Development Outlook 2015, sinabi ng bangko na ang gross domestic product growth ay matatamo sa antas na 6.0% at mas mababa ito kaysa unang pagtataya noong Marso na 6.4%. babawi ito sa 2016 sa pagkakaroon ng growth rate na 6.3% na walang pagbabago kaysa naunang pagtataya.

Sa isang press briefing, sinabi ni Richard Bolt, ang ADB country director para sa Pilipinas, matapos ang mabagal na paggalaw sa unang bahagi ng taon, magkakaroon ng dagdag na paggasta kasabay ng paglalabas ng salapi para sa darating na halalan sa Mayo ng susunod na taon, kaya't makaaangat ang ekonomiya ng bansa.

Ang mga pagbabagong ginawa upang mapasigla ang competitiveness at makatatamo ng investments ang magiging sandigan ng paglago ng ekonomiya. Makaaapekto pa rin ang patuloy na reporma at pagpasok ng investments sa infrastructure at iba pang pakikinabangan ng madla.

Naging mabigat ang karanasan ng bansa sa unang bahagi ng taon sapagkat bumagal ang sektor ng manufacturing, lumiit ang exports, walang anumang kaunlarang natamo sa sektor ng pagsasaka dahilan sa El Nino weather phenomenon na dahilan ng pagkatuyo ng mga sakahan. Lumiit pa rin ang gastos ng pamahalaan at naging dahilan ng mumunting fiscal surplus. Bumagsak din ang halaga ng piso sa dolyar ng may 4.6% noong nakalipas na linggo at ang ilan ay naglabas ng salapi sa kalakalan,

Nakikita nina G. Bolt at mga kasama sa Asian Development Bank na sa paglaki ng gastos ng pamahalaan na nagsimula sa ikalawang tatlong buwan ng taon ang nagpapasigla sa pagkakaroon ng mas magandang budget execution. Ang paggasta sa halalan ilang buwan bago sumapit ang botohan at mas malaking budget ng pamahalaan sa susunod na taon ang magsusulong ng kaunalran.

Nananatiling hamon para sa Pilipinas ang mas mabagal na pag-unlad ng ekonomiya sa malalaking industrial economies at pagbagal ng ekonomiya ng Tsina. Ang pananalasa ng El Nino ang makapipinsala sa maliliit na mga ekonomiya at retailing. Inaasahang gaganda ang exports ng Pilipinas sa susunod na taon sa higit na pagsigla ng industrial economies at ng Tsina. Ang matinding El Nino ang hahagupit sa ekonomiya ng mga kanayunan at makaaapekto rin sa pagkain, tubig at maging sa halaga ng kuryente.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>