|
||||||||
|
||
ANG mas banayad na pag-unlad sa malalaking bansa sa rehiyon, ang Tsina at India kasabay ng mas mabagal na pagbawi ng major industrial economies ang dahilan ng pagbaba ng kaunalran sa rehiyon sa taong 2015 at 2016 kaysa naunang pagtataya.
Ayon sa ulat ng Asian Development Bank, sa kanilang update sa taunang economic publication, nakikita ng ADB ang gross domestic product para sa rehiyon at matatamo ang 5.8% sa 2015 at 6.0% sa susunod na taon at mas mababa sa forecasts noong Marso na 6.3% para sa dalawang taon.
Ang developing Asia ang pinakamalaking rehiyong nakaambag sa pandaigdigang kaunlaran kahit pa banayad ang economic performance ng mga bansa. Mayroong ilang bagay na nararapat kilalaning dahilan sa mga hadlang sa malakihang pag-unlad tulad ng currency pressures at paglabas ng mga salaping nakalagak sa iba't ibang bahay kalakal.
Ayon kay Joseph Zveglich, Jr., isa sa mga dalubhasa ng ADB, ang kaunlaran sa industrial economies ay nakarating sa 1.9% noong 2015 at mas mababa ng 2.2% forecast noong Marso samantalang ang consumption atinvestments ay nananatiling mabagal at may mga positibong senyal ng magandang nagaganap sa euro area at patuloy na pagganda ng ekonomiya ng America.
Ang bansang Tsina, ayon sa Asian Development Bank, ang siyang ikalawang pinakamalaking ekonomiya, ay nagkaroon ng moderate growth sa pagbagal ng investments at may kabagalang exports sa unang walong buwan ng 2015. Ang growth rate ay aabot sa 6.8% ngayong 2015 at mas mababa mula sa pagtatayang 7.2% at mas mababa sa 7.3% na nakamit noong 2014.
Ang timog-silangang Asia ang siyang nagtatamo ng epekto ng pagbagal ng paglago ng ekonomiya ng Tsina at magtatamo ng growth rates na 4.4% bago makabawi at makamtan ang 4.9% sa 2016.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |