|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon sa punong himpilan ng Microsoft sa Seattle ang Ika-8 Porum sa Industriya ng Internet ng Tsina at Amerika.
Lumahok dito ang mga Chief Executive Officer (CEO) ng mga kilalang Internet company ng dalawang bansa na gaya ng Baidu, Alibaba, Jingdong mula sa Tsina at Apple, Facebook, Google, IBM galing sa Amerika.
Tinalakay nila ang mga paksa na gaya ng pagtitiwalaang Sino-Amerikano na may kinalaman sa cyber security, cloud computing, big data, relasyon sa pagitan ng information and communication technology at tradisyonal na industriya, panahon ng netizens at iba pa.
Nilagdaan din ng mga bahay-kalakal na Tsino at Amerikano ang mga kasunduaang pangkooperasyon.
Lumahok din sa Porum si dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at nagpakuha ng larawan, kasama ng mga CEO.
Sa kanyang talumpati, ipinagdiinan ni Xi na bilang pangunahing bansa sa larangan ng Internet, kapuwa kinakaharap ng Tsina at Amerika ang mga hamong may kinalaman sa cyber security. Hiniling niya sa dalawang pamahalaan at mga bahay-kalakal na pahigpitin ang kanilang pagtutulungan, batay sa paggagalangan at pagtitiwalaan, para maprotektahan ang komong interes at mapasulong ang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan. Idinagdag pa niyang ito ay para mapabuti ang paglilingkod sa mga mamamayan ng dalawang bansa at buong daigdig, pagdating sa paggamit ng Internet.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |