|
||||||||
|
||
Sa news briefing kahapon sa Seattle, Amerika, sinagot ni Wang Xining, Pangalawang Puno ng Kawanihan ng Impormasyon ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang mga tanong hinggil sa mga aktibidad ni Pangulong Xi Jinping habang dumadalaw sa Amerika.
Kaugnay ng isyu ng cyber security, ipinahayag ni Wang na tulad ng sinabi ni Pangulong Xi sa Estado ng Washington, dapat magkasamang lutasin ng Tsina at Amerika ang mga komong isyu ng dalawang panig tulad ng isyu ng cyber security.
Sinabi pa ni Wang na ang Tsina ay bansang may pinakamaraming netizens sa daigdig at ang Amerika ay may pinakalamakas na puwersa sa larangan ng Internet, kaya may nagkakaisang pagkabahala ang dalawang bansa sa nabanggit na isyu.
Dapat aniya pahigpitin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa isyung ito para hanapin ang paraan ng paglutas sa isyung ito at pasulungin ang isyung ito para maging puwersa sa pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa, sa halip ng sanhi ng alitan at sagupaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |