|
||||||||
|
||
BEIJING—Nilagdaan dito kahapon ng Tsina at Amerika ang mga karugtong na dokumento hinggil sa dalawang mekanismo sa pagtitiwalaan ng dalawang bansa.
Ito ang ipinahayag ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang-bansa ng Tsina, sa buwanang preskon.
Ang unang dokumento ay may kinalaman sa pag-uulat sa isa't isa ng dalawang bansa hinggil sa krisis militar. Ito ay karagdagan sa Reporting System hinggil sa Pangunahing Aktibidad na Militar ng dalawang bansa na nilagdaan noong ika-18 ng Setyembre.
Ang pangalawa ay may kinalaman sa engkuwentro sa himpapawid ng dalawang hukbo. Ito ay karugtong sa Code of Safe Conduct sa Encounters ng mga Hukbong Pandagat at Hukbong Panghimpapawid ng Tsina at Amerika, na nilagdaan ng dalawang bansa noong ika-18 ng Setyembre.
Ipinahayag ni Wu na ang nasabing mga hakbang ay para matupad ang narating na komong palagay nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Barack Obama sa kanilang pagtatagpo sa Sunnylands, Southern California noong Hunyo, 2013.
Kasalukuyang nagsasagawa si Xi ng kanyang dalaw-pang-estado sa Amerika. Pagkaraan ng kanyang biyahe, dadalo rin siya sa gaganaping United Nations (UN) Summit mula ika-26 hanggang ika-28 ng Setyembre.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |