|
||||||||
|
||
Dumalo kahapon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa bangketeng panalubong na magkasamang itinaguyod nina Joseph Biden, Pangalawang Pangulo ng Amerika, at John Kerry, Kalihim ng Estado ng bansang ito.
Sinabi ni Xi na 70 taon na ang nakaraan, nagtulungan ang Tsina at Amerika para labanan ang pananalakay ng mga bansang Fascist, at pangalagaan ang kapayapaan, kalayaan at katarungan ng buong sangkatauhan.
Sinabi pa ni Xi na mabunga ang kanyang pagdalaw sa Amerika sa pamumuhunan, pagpapalitan ng kultura, pagharap sa pagbabago ng klima, at mga kooperasyon sa pandaigdigang isyu.
Naniniwala aniya siyang magiging mas mainam ang relasyon ng dalawang bansa para magdulot ng mga aktuwal na kapakanan sa kanilang mga mamamayan at buong daigdig.
Ipinahayag naman ni Biden na ang relasyon ng dalawang bansa ay malusog at may magandang kompetisyon at maaaring isakatuparan ang magkasamang pag-unlad ng dalawang bansa.
Ipinahayag din ni Kerry na napakalaki at napakabisa ng kooperasyon ng Amerika at Tsina at maaaring matamo ng dalawang bansa ang mas malaking bunga sa kooperasyon at mapagtagumpayan ang mga hidwaan sa pamamagitan ng matapat na diyalogo at paghanap ng mga komong komong palagay at pagsasaisang-tabi ng pagkakaiba.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |