|
||||||||
|
||
Nakipagtagpo kahapon sa Capitol Hill si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa mga lider ng Kongresong Amerikano na sina Mitch McConnell, Majority Leader ng Senate, Harry Reid, Minority Leader ng Senate, John A. Boehner, Ispiker ng House of Representatives, at Nancy Pelosi, Minority Leader ng House of Representatives.
Tinukoy ni Xi na sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika noong 1979, gumanap ang mga lehislatibong departamento ng dalawang bansa ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon.
Sinabi pa niya na dapat pasulungin ng dalawang bansa ang pagiging mas maganda ng kanilang relasyon sa hinaharap para mapigilan ang sagupaan at konprontasyon sa pagitan ng mga malaking bansa.
Umaasa aniya siyang palalawakin ang komong kapakanan ng dalawang bansa at maayos na hawakan ang hidwaan ng dalawang bansa.
Winelkam ng mga lider ng Kongresong Amerikano ang pagdalaw ni Xi. Ipinahayag nila na ang mga kooperasyon ng dalawang bansa ay nakakabuti sa kanilang dalawang panig at buong daigdig. Nakahanda ang Kongresong Amerikano na gumanap ng konstruktibong papel sa pagpapahigpit at pagpapalalim ng pagkakaibigan at kooperasyon ng dalawang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |