Nilagdaan kahapon sa Washington D.C. sina Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina, at Alfonso Lenhart, Puno ng U.S. Agency for International Development (USAID), ang Memorandum of Understanding (MOU), para pataasin ang lebel ng kooperasyon ng dalawang bansa sa kaunlarang pandaigdig.
Sinang-ayunan ng dalawang bansa na isagawa ang mga pandaigdigang proyektong pangkooperasyon sa mga larangan na gaya ng agrikultura, kalusugan at pagsasanay, para mapawi ang pandaigdigang kahirapan.
Nitong dalawang taong nakalipas, isinagawa ng Tsina at Amerika ang mga pilot project sa agrikultura at pagsasanay sa mga bansa na gaya ng East Timor at Afghanistan, at ang pagsubok na kooperasyon sa paglaban sa Ebola virus sa Aprikano.