Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

4 na mungkahi, iniharap ng pangulong Tsino para mapasulong ang karapatan ng mga kababaihan

(GMT+08:00) 2015-09-28 08:32:24       CRI
New York, punong himpilan ng United Nations (UN), —Iniharap kahapon dito ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang apat-na-puntong proposal hinggil sa ibayo pang pagpapasulong ng karapatan ng mga kababaihan ng buong mundo, sa kanyang paglahok sa Summit ng UN hinggil sa Pagkakapantay ng Kasarian at Pagpapalakas ng Karapatan ng mga Kababaihan. 
 


Si Pangulong Xi habang nagtatalumpati sa Summit ng UN hinggil sa Pagkakapantay ng Kasarian at Pagpapalakas ng Karapatan ng mga Kababaihan. Larawang kinunan noong Sept. 27, 2015. (Xinhua/Huang Jingwen)

Pagkakapantay ng kasarian: dakilang usapin

Ipinagdiinan ni Pangulong Xi na dakilang usapin ang pagpapasulong ng pagkakapantay ng kasarian, dahil napatunayan ng kasaysayan na kung walang kalayaan at progreso ang kababaihan, hindi natamo ang kalayaan at progreso ng sangkatauhan.

Idinagdag pa niyang sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN at ika-20 anibersaryo ng pagdaraos ng Ika-4 na Pandaigdig na Komperensiya sa Kababaihan na ginanap sa Beijing, may mahalagang katuturan ang pagdaraos ng nasabing UN Summit sa Kababaihan para muling matiyak ang pangako ng iba't ibang bansa hinggil sa pagkakapantay ng kasarian at kaunlarang pambabae, at bumalangkas ng plano para sa mas magandang kinabukasan para sa mga kababaihan.

Apat na mungkahi

Iniharap din ni Pangulong Xi ang apat na mungkahi para mapasulong ang kaunlarang pambabae.

Una, dapat magpursige ang komunidad ng daigdig para sa kaunlarang pambabae kasabay ng progresong panlipunan at pangkabuhayan. Nanawagan din siya para sa mas maraming komprehensibong estratehiyang pangkaunlaran para sa mga kababaihan upang mapasigla ang potensyal ng mga kababaihan at mapasulong ang kanilang pakikilahok at pagtatamasa sa kaunlarang panlipunan at pangkabuhayan.

Pangalawa, dapat buong-higpit na pangalagaan ng iba't ibang bansa ang karapatan at interes ng mga kababaihan, ayon sa batas at regulasyon; dahil ito ay saligang karapatang pantao. Kailangan din aniyang katigan ang mga babae para gumanap sila ng kanilang papel sa lipunan, at hikayatin silang makilahok sa pagsasagawa ng desisyon sa mataas na antas at maging lider sa iba't ibang larangan na gaya ng pulitika, negosyo at akademiya.

Pangatlo, dapat ding pawiin ang diskriminasyon laban sa kababaihan para maging mas may-harmonya, inklusibo at masigla ang lipunan. Ipinagdiinan din ni Pangulong Xi na dapat pawiin ang karahasan laban sa kababaihan sa anumang porma, na gaya ng domestic violence. Kaugnay nito, ipinahayag ni Xi ang pagsang-ayon at paghanga sa "He for She" Initiative na iniharap ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN.

Ikaapat, nanawagan si Xi sa paglikha ng pandaigdig na kapaligiran para sa kaunlarang pambabae. Ipinagdiinan niyang kailangang manangan ang lahat ng mga bansa sa kapayapaan, kaunlaran at win-win cooperation para lang lahat ng mga babae at bata ay matamasa ang kaligayahan at katahimikan. Para rito, nanawagan din si Xi sa mga organisasyon ng iba't ibang bansa na pahigpitin ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan. Hiniling din niya sa mga maunlad na bansa na pag-ibayuhin ang kanilang suportang pinansyal at teknolohikal sa mga umuunlad na bansa para mapaliit ang agwat sa pagitan ng mga kababaihan sa iba't ibang bansa.

Pagsisikap ng Tsina

Ipinangako rin ni Xi na pasulungin ang pagkakapantay ng kasarian bilang saligang patakaran ng Tsina para matiyak na ang bawat babaeng Tsino ay magkaroon ng oportunidad na isakatuparan ang kanilang mga pangarap at aspirasyon sa karera at buhay.

Ipinangako rin niyang sa susunod na limang taon, tutulong ang Tsina sa kapuwa umuunlad na bansa na isagawa ang 100 proyektong pangkalusugan para sa babae at bata, at 100 "happy campus projects" para tulungan ang mahihirap na batang babae na pumasok sa paaralan. Aniya pa, sasanayin din ng Tsina ang 30,000 babae mula sa ibang umuunlad na bansa at kasabay nito, ipagkakaloob din ng Tsina ang 100,000 skills training opportunities para sa mga umuunlad na bansa.

Humigit-kumulang 100 kinatawan na kinbibilangan ng 80 puno ng estado at pamahalaan ang lumahok sa nasabing UN Summit sa Kababihan.

Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade

Tagapagpulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Xi Jinping
v Xi Jinping sa Amerika at UN 2015-09-18 14:49:15
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>