|
||||||||
|
||
Dumalo kamakalawa sa Global Education First Initiative (GEFI), na idinaos sa punong himpilan ng United Nations (UN) sa New York, si Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina at Espesyal na Sugo ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) sa Pagsusulong ng Edukasyon para sa mga kababaihan.
Video sa Wikang Ingles: All Children Having Access to Education Is My Chinese Dream: First Lady Peng
Espesyal na Programa ng Tsina para sa Edukasyon
Sa kanyang talumpati, sinabi ng Unang Ginang, na may espesyal na programa ang Tsina na nagbigay-tulong sa mahigit 3 milyong batang babae para magkaroon ng disenteng edukasyon. Pero, idinagdag niyang dapat isagawa ang mas marami pang patakaran para dagdagan ang pondo sa edukasyon ang mga umuunlad na bansa at mahihirap na rehiyon.
Edukasyon bilang susi sa magandang kinabukasan
Anang Unang Ginang, malapit sa kanyang puso ang edukasyon.
Aniya pa, ilampung taon na ang nakakalipas, binago ng kanyang ama ang kalagayang pang-edukasyon ng kanyang maliit na nayong pinagmulan sa pamamagitan ng pagtuturo, lalo na sa mga bata at kababaihan.
Dagdag ni Peng, dahil marami ang walang sapat na edukasyon sa kanyang nayon, isang panggabing klase ang binuksan ng kanyang ama para magturo kung paano bumasa at sumulat.
Dahil dito, maraming tao ang natutunong magsulat ng kanilang mga pangalan; marami ang natutong magbasa ng peryodiko: at naturuan ng maraming kababaihan ang kanilang mga anak kung paano sumulat at bumasa.
Aniya, ang edukasyon ay mahalagang usapin at may pundamental na papel sa pagpapaunlad ng bansa at pagsasakatuparan ng mga pangarap at kaligayahan ng mga mamamayan.
Pagsunod sa Yapak ng Ama
Sinabi rin ni Peng, na dahil sa ehemplong ipinakita ng ama, "sumunod ako sa kanyang yapak at naging isang propesor ng musika."
salin:wle
Pulido: Rhio/Jade
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |