|
||||||||
|
||
NANAWAGAN ang government peace panel na nakikipag-usap sa Moro Islamic Liberation Front sa madla na huwag mawalan ng pag-asa sa pagkaka-udlot ng pagpapasa nito sa darating na ika-16 ng Disyembre.
Ayon kay Professor Miriam Coronel Ferrer, nakalulungkot ang pangyayari subalit umaasa pa rin sila na magiging batas ang panukalang BBL.
Ito ang kanyang mensahe sa "Women and Peace: Reflecting on Achievements and Challenges on Women's Participation sa pagdiriwang ng ika-15 anibersaryo ng UN Security Council Resolution 1325 kamakailan. Dumalo rin ang mga kinatawan ng iba't ibang samahan.
Idinagdag pa ni Prof. Ferrer na kailangang magkaroon ng pasensya at pagtitiyaga tungo sa kapayapaan. Maraming mga paraan upang maipasa ang batas, dagdag pa niya. Kailangan lamang marinig ang tinig ng karamihan.
Sinabi ni Speaker Feliciano Belmonte, Jr. na pagbobotohan ang BBL at maipapasa sa huling pagbasa bago magsara ang sesyon sa ika-siyam ng Oktubre. Subalit noong nakalipas na linggo, sinabi ng Senado at Kongreso na mas prayoridad ang pagpapasa ng 2016 General Appropriations Act.
Umaasa ang dalawang kapulungan na maipapasa ang BBL sa ika-16 ng Disyembre.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |