|
||||||||
|
||
SAPAGKAT may dalawang kasaping kakandidato sa pagka-pangalawang pangulo samantalang may isang nagsasabing kakandidato rin, susuportahan silang lahat ng Nacionalista Party.
Ito ang pagtiyak ni Senador Cynthia Villar.
Unang lumabas ang balitang tatakbo sina Senador Antonio Trillanes IV at Alan Peter Cayetano sa pagkapangalawang pangulo sa 2016 samantalang nababalita na tatakbo rin sa pagkapangalawang pangulo si Senador Ferdinand Romualdez Marcos, Jr.
Ayon kay Senador Villar, maybahay ng lider ng Nacionalista Party na si dating Senador Manuel Villar, patas nilang susuportahan ang lahat ng mga kakandidato kabilang sa kanilang partido.
Sa halip na may kampihang isa, lahat na sila'y tutulungan, dagdag pa ng senadora.
Hindi umano mapigilan kaya't hahayaan na lamang silang kumandidato, matatapang umano kaya't tuloy na ang kanilang layunin sa 2016. Malaki umano ang posibilidad na magmumula sa partido nila ang magiging pangalawang pangulo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |