MABUWAY ANG STOCK MARKET. Ito ang sinabi ni G. Hans B. Sicat, ang Presidente at Chief Executive Officer ng Philippine Stock Exchange sa isang panayam kanina. Ang mga yumanig sa stock market ay ang mga nagaganap sa ibang bansa, dagdag pa ni G. Sicat. (Melo M. Acuna)
MABUWAY ang Philippine Stock Exchange sa nakalipas na ilang buwan matapos lumabas ang iba't bang pangyayari sa labas ng Pilipinas. Ito ang sinabi ni G. Hans B. Sicat, pangulo ang chief executive officer ng Philippine Stock Exchange sa isang panayam kanina bago nagsimula ang Philippine Economic Briefing sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.
Naganap ito sa pagpapababa ng halaga ng Renmenbi ng Tsina may isang buwan at kalahati na ang nakalilipas. Nangamba rin ang daigdig sa nabalitang paggalaw ng interest rates ng Estados Unidos.
Apektado ang Pilipinas sa mga naganap na ito. Nagkaroon ng over-reaction ang merkado kahit pa matatag ang market fundamentals ng bansa. Mas mababa ang alinmang kaunlarang matatamo ng Pilipinas kung ihahambing sa mga kalapit bansa.
Mas magiging matatag ang ekonomiya ng bansa kung magpapatuloy ang paggasta ng susunod na administrasyon sa mga pagawaing bayan at kung magiging patas sa pagpapatupad ng regulasyon. Mas magiging maganda ang mga alituntunin kung higit itong gagawing simple at nang hindi na mahirapan pa ang madla.