|
||||||||
|
||
Upang pag-ibayuhin at palakasin ang bigkis ng pagkakaibigan, pagkakaunawaan at pagpapalitang pangkultura ng Pilipinas at Tsina, bumisita kahapon sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing ang mahigit 20 kabataang Tsinong mula sa ibat-ibang mababang paaralan ng lunsod.
Sa pangunguna ni Embahador Erlinda F. Basilio, malugod na tinanggap ng mga kawani ng Pasuguan ng Pilipinas ang mga kabataang tinaguriang "Young Cultural Ambassadors."
Si Embahador Erlinda F. Basilio.
Ang nasabing mga kabataan ay nasa 8 hanggang 10 taong gulang.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Basilio na malugod na tinatanggap ng Embahada ng Pilipinas ang delegasyon ng mga "Young Cultural Ambassadors" at sabik niyang ibahagi sa mga ito ang ibat-ibang impormasyon tungkol sa lipunan, sining, at kultura ng Pilipinas.
Sa programang inihanda para sa mga "Young Cultural Ambassadors," isinalaysay sa mga ito ang maraming bagay tungkol sa Pilipinas na gaya ng kasaysayan, heograpiya, at magagandang destinasyon sa Pilipinas.
Bukod dito, tinuruan din silang umawit ng isang tradisyonal na awiting Pilipino na "Sampung mga Daliri."
Sa pangunguna naman ni Frank Olea, idinemonstrasyon at ipinamalas sa mga bata ang pambansang laro ng Pilipinas na Arnis/Eskrima/Kali.
Samantala, dinagit ni Emerson Ong, isang Pilipinong mahikero ang mga bata sa mundo ng mahika sa pamamagitan ng isang kagila-gilalas na majic show, kung saan nag-enjoy at nakibahagi ang mga ito.
Sa kanila namang bahagi, nagpamalas ng mga pambihirang kakayahan ang mga kabataan na gaya ng pagsasayaw ng tradisyonal na sayaw Tsino; pagtugtog ng plawta, biyolin at iba pang instrumentong katutubo sa Tsina.
Ang "Young Cultural Ambassadors" ay isang programa ng pamahalaang Tsino para sa mga kabataan ng bansa.
Ito ay may temang "Bring the World to the Chinese Children, Bring China to the Children Worldwide."
Si Embahador Erlinda F. Basilio at mga kabataang tinaguriang "Young Cultural Ambassadors."
Mga "Young Cultural Ambassadors", habang nakikinig sa salaysay higgil sa kasaysayan, heograpiya at magangandang destinasyon sa Pilipinas
Tinuruan ang "Young Cultural Ambassadors" na umawit ng isang tradisyonal na awiting Pilipino na "Sampung mga Daliri."
Emerson Ong (gitna sa litrato), habang ipinakikita ang kanang mahikero
Nagpamalas ang mga"Young Cultural Ambassadors" ng pagsasayaw ng tradisyonal na sayaw Tsino
/end/ernest/rhio//
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |