Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ministri ng Komersyo ng Tsina, ipapatupad ang ipinangakong tulong sa daigdig ni Pangulong Xi

(GMT+08:00) 2015-10-04 14:54:47       CRI

Sa kanyang paglahok sa serye ng pulong ng United Nations na ginanap noong katapusan ng nagdaang Setyembre, ipinangako ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga ibibigay na tulong sa mga umuunlad na bansa.

Kaugnay nito, sinabi kahapon ng namamahalang tauhan ng Departamento ng Tulong na Panlabas ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang mga ipinangakong tulong ng Tsina ay nagpapakita ng ideya ng ibinabahaging tadhana ng sangkatauhan na iniharap ng Tsina. Aniya pa, sa susunod na yugto, ipapatupad ng kanyang ministri ang mga tulong, batay sa kahilingan at pangangailangan ng mga bansang tatanggap ng tulong.

Ang mga ipinangakong tulong ng Tsina ay ang mga sumusunod:

Una, itatatag ng Tsina ang South-South Cooperation Aid Fund. Ang unang hulog nito ay 2 bilyong dolyares para tulungan ang mga umuunlad na bansa sa pagtupad sa development agenda pagkaraan ng taong 2015.

Ikalawa, kakanselahin ng Tsina ang lahat ng walang-interes na utang na pampamahalaan na dapat bayaran ng mga pinaka-di-maunlad na bansa (LDCs), landlocked na mga umuunlad na bansa, at small island developing countries, bago magtapos ang 2015.

Ikatlo, sa susunod na limang taon, magkakaloob ang Tsina sa ibang mga umuunlad na bansa ng 100 proyekto hinggil sa pagpapahupa ng kahirapan, 100 proyekto ng kooperasyong pangkultura, 100 proyekto ng pangangalaga sa kapaligiran, at 100 proyekto sa pagpapasulong ng kalakalan. Kasabay nito, magbubukas din ang Tsina ng 100 ospital at klinika, at 100 paaralan at sentro ng pagsasanay-bokasyonal sa mga umuunlad na bansa.

Ikaapat, bubukasan din ng Tsina ang South-South Cooperation and Development Institute para sanayin ang mga tauhan sa iba't ibang larangan mula sa mga umuunlad na bansa. Sa susunod na limang taon, magkakaloob ang Tsina ng 120,000 oportunidad para sa pagsasanay ng mga tauhan mula sa mga umuunlad na bansa, at 150,000 person-time na scholarship. Sasanayin din ng Tsina ang 500,000 tauhang bokasyonal ng iba pang mga umuunlad na bansa.

Ikalima, sa susunod na limang taon, tutulungan ng Tsina ang iba pang mga umuunlad na bansa sa paglunsad ng 100 proyektong may kinalaman sa pagpapasulong ng kalusugan ng mga babae at bata, at 100 proyekto para tulungan ang mahihirap na batang babae na pumasok sa paaralan. Kasabay nito, iimbitahan at sasanayin din Tsina ang 30,000 babae mula sa iba pang mga umuunlad na bansa samantalang sasanayin ng Tsina ang 100,000 babae ng iba pang mga umuunlad na bansa sa lokalidad.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Xi Jinping
v Xi Jinping sa Amerika at UN 2015-09-18 14:49:15
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>