Ayon sa ulat na inilabas kahapon ng World Bank (WB), tinayang ang bahagdan ng paglaki ng GDP ng Tsina sa taong 2015 ay umabot sa 7% na mas mababa kaysa sa taong 2014.
Anang ulat, kasunod ng pagbabago ng estrukturang pangkabuhayan ng Tsina patungo sa modelong pangkabuhayan na magpapahalaga sa konsumong panloob at industriya ng serbisyo, unti-unting magiging mabagal ang paglaki ng kabuhayang Tsino sa hinaharap.
Dahil sa pagbagal ng paglaki ng kabuhayang Tsino, magiging mabagal din ang paglaki ng kabuhayan ng mga bansa sa Silangang Asya. Ayon sa pagtaya ng WB, ang bahagdan ng paglaki ng GDP ng Silangang Asya sa taong 2015 ay aabot sa 6.5% na bababa ng 0.3% kumpara sa taong 2014.