Ipinahayag kahapon ni Alexis Tsipras, Punong Ministro ng Greece, na agad at komprehensibong isasakatuparan ng kanyang pamahalaan ang ika-3 round ng kasunduang pantulong para makakuha ng bagong pautang na nagkakahalaga ng 86 bilyong Euro.
Ayon sa naturang kasunduan, dapat isagawa ng Greece ang isang serye ng hakbangin sa reporma at mahigpit na patakarang pinansyal. Kung ang bunga ng mga gawain ng Greece ay makakapasa sa pagtasa ng mga creditor, makakakuha ang Greece ng kinakailangang 86 bilyong Euro na pautang para maiwasan ang default sa national debt.
Sinabi pa ni Tsipras na pagkatapos ng pagtasa ng mga creditor, isasagawa ng kanyang pamahalaan ang mga hakbangin para hikayatin ang mga dayuhang pamumuhunan, pataasin ang kakahayang kompetetibo ng pambansang kabuhayan at iayos ang modelo ng paglaki ng babuhayan.