MATAPOS makamtan ang medalyang pilak sa katatapos na FIBA Asia Championship, umangat ang Pilipinas sa ika-28 puesto sa daigdig ayon sa datos ng FIBA.
Nalaglag ang South Korea mula sa ika-28 puesto at sa pagkakataong ito, pangatlo na ang Pilipinas sa Asia. Ang gold medal winner na China ay nasa ika-14 na puesto samantalang ang nalaglag na kampeon, ang Iran ay nasa ika-17, ikalawa sa Asia kung records ang pagbabatayan.
Kasunod na Pilipinas at nasa–ika 29 na puesto ang Jordan at South Korea na nasa ika-30 puesto. Nagtamo ang Pilipinas ng 12 puntos sa runner-up finish sa Changsha sa Tsina. Hindi nagtagumpay ang Pilipinas na makapasok sa Rio de Janeiro Olympics sa susunod na taon.
Pasok na ang Tsina sa Olympics na gaganapin sa Rio de Janeiro.