Di-kukulangin sa 95 katao ang nasawi sa magkakasunod na pambobomba kahapon sa Ankara, kabisera ng Turkey; samantala, 246 ang nasugatan.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pang aumang organisasyon ang umaako ng responsibilidad sa insidenteng ito.
Pagkatapos ng insidente, matinding kinondena ni Pangulong Recep Tayyip Erdoğan ng bansang ito ang naturang insidente. Sinabi niyang ang naturang pag-atake ay nakapinsala sa kapayapaan, katatagan at pagkakaisa ng kanyang bansa.
Ipinahayag naman ni Ahmet Davutoğlu, Punong Ministro ng Turkey, na isasagawa ang tatlong araw na pambansang pagdadalamhati sa mga nasawi. Ipinangako din niyang hahanapin ang mga may-kagagawan sa lalong madaling panahon.
Bukod dito, ipinahayag din ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), ang matinding pagkondena sa insidenteng ito at pakikidalamhati sa mga kamag-anak ng mga kasuwalti, mamamayan at pamahalaan ng Turkey.