|
||||||||
|
||
Dumalo kamakalawa si Liu Yunshan, Kagawad ng Standing Committee ng Pulitburo at Kalihim ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa mga aktibidad bilang pagdiriwang sa Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Workers' Party of Korea (WPK). Kasama ni Liu sa nasabing aktibidad si Kim Jong-un, Unang Kalihim ng WPK at iba pang mga lider ng bansa at partido ng Hilagang Korea.
Dumalo at pinanood ni Liu ang military parade at demonstrasyon ng mga mamamayang Koreano.
Pumunta rin siya kahapon sa Cemetery of Martyrs ng Chinese People's Volunteers para magpugay sa mga kabayanihan ng mga martir na lumahok sa Korean War. Sa ngalan ng CPC, pamahalaan, at mga mamamayang Tsino, nagpahayag si Liu ng pakikidalamhati sa mga Tsinong martir, at magandang hangarin sa mga buhay pang sundalo ng Chinese People's Volunteers (CPV). Ipinaabot din niya ang pagpapasalamat sa mga may-kinalamang organisasyon at tauhan sa iba't-ibang sirkulo ng lipunan ng H. Korea na nagmalasakit, kumatig o lumahok sa pagkumpuni ng naturang sementeryo.
Aniya pa, ang sementeryo ay patunay ng kasaysayan sa magkasamang paglaban ng mga hukbo ng dalawang bansa, at pagkakaibigan ng Tsina at H. Korea.
Isandaa't tatlumpu't apat (134) na martyr ang nakalibing sa sementeryong ito. Sila ay mga sundalong Tsino na lumahok sa 1950-1953 Korean War, laban sa pananalakay ng Amerika sa H Korea.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |