"Tinututulan ng Tsina ang teroristikong pag-atake laban sa mga sibilyan." Ito ang ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa pagsabog na naganap kamakalawa sa Ankara, kabisera ng Turkey, na lumikha ng malaking kasuwalti sa mga sibilyan.
Sinabi ni Hua na tahasang kinokondena ng Tsina ang lahat ng mga aksyong teroristiko. Samantala, kinakatigan nito aniya ang pagsisikap ng komunidad ng daigdig, na kinabibilangan ng Turkey para sa pangangalaga sa seguridad at katatagan ng mundo.