Sa isang regular na preskong idinaos kahapon sa Beijing, ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula ika-19 hanggang ika-20 ng kasalukuyang buwan, gaganapin sa lunsod ngt Chengdu, probinsya ng Sichuan, Tsina ang "Ika-10 Pulong ng mga Mataas na Opisyal Tungkol sa Pagsasakatuparan ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC)." Dadalo rito sina Pangalawang Ministrong Panlabas Liu Zhenmin ng Tsina at mga mataas na opisyal ng Ministring Panlabas ng iba't-ibang bansang ASEAN.
Ayon kay Hua, sa panahon ng nasabing pulong, idaraos ang ika-15 joint working meeting ng pagsasakatuparan ng DOC. Malalimang magpapalitan ng kuru-kuro ang iba't-ibang panig hinggil sa komprehensibo at mabisang pagsasakatuparan ng DOC, at pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon sa dagat.
Salin: Li Feng