|
||||||||
|
||
Sinabi ngayong araw ni Zhou Liujun, opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na noong unang 3 kuwarter ng taong ito, mabilis ang pag-unlad ng pamumuhunan ng Tsina sa ibayong dagat.
Ayon sa estadistika mula sa Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang 3 kuwarter ng taong ito, umabot sa mahigit 12 bilyong dolyares ang halaga ng direktang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa mga bansa na malapit sa "One Belt ang One Road" na lumaki ng 66.2% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.
Sinabi ni Zhou na sa kasalukuyan, ang pamumuhunan ng Tsina sa ibayong dagat ay pumasok sa yugto ng mabilis na pag-unlad.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |