|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pagbati sa pagkakalagda ng mga bahay-kalakal ng Tsina at Indonesia sa kasunduan hinggil sa magkasamang pagtatayo ng high speed railway mula Jakarta hanggang Bandung.
Kahapon ng umaga, nilagdaan ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa ang kasunduan.
Ipinahayag ni Xie Feng, Embahador Tsino sa Indonesia, na ang pagkakalagda sa naturang kasunduan ay nagmula sa kakayahan at katapatan ng panig Tsino. Sinabi pa niyang ang mga kooperasyon ng Tsina at Indonesiya ay batay sa prinsipyo ng win-win situation at mutuwal na kapakinabangan.
Ipinahayag naman ni Hua na nakahanda ang panig Tsino na patuloy na pasulungin, kasama ng Indonesia, ang mga kooperasyon sa larangan ng high speed railway.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |