Beijing, Tsina-Idinaos dito mula ika-15 hanggang ika-16 ng kasalukuyang buwan ang di-pormal na pagtatagpo ng mga Ministro ng Tanggulang-bansa ng Tsina at ASEAN.
Ang naturang pulong ay kauna-unahang idinaos sa Tsina. Sa pulong na ito, iniharap ni Chang Wanquan, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang-bansa ng Tsina, ang mga mungkahi hinggil sa pagpapasulong ng kooperasyong pandepensa at panseguridad ng dalawang panig.
Ang naturang mga mungkahi ay kinabibilangan ng matatag na pagsasakatuparan ng mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang panig, magkasamang pangangalaga sa katatagan at seguridad ng rehiyong ito, pagpapahigpit ng mga aktuwal na kooperasyon at magkasamang paghawak at pagkontrol sa mga hidwaan.