Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa Nay Pyi Taw sa grupo ng mga dalubhasa ng Ministri ng Water Resources ng Tsina, ibinigay ni Thein Sein, Pangulo ng Myanmar, ang mataas na pagtasa sa kooperasyon ng dalawang bansa sa water control project, paglaban sa kalamidad ng baha at gawaing panaklolo.
Pinasalamatan din Thein Sein ang agarang makataong tulong ng Tsina sa kalamidad ng baha sa kanyang bansa sa kasalukuyang taon.
Sinabi niyang nakahanda ang kanyang bansa na pag-aralan at gamitin ang mga karanasan ng Tsina sa aspekto ng water control. Naniniwala aniya siyang matatamo ng Myanmar ang posibitong progreso sa paglalapat-lunas sa Ayeyarwady River sa pamamagitan ng tulong na pinansyal at teknikal ng Tsina.
Ipinahayag ni Shu Qingpeng, Puno ng Grupo ng mga dalubhasang Tsino, na nakahanda ang panig Tsino, kasama ng Myanmar, na pahigpitin ang mga pagpapalitan at pagtutulungan sa nabanggit na mga aspekto.