Binuksan ngayong araw sa Beijing ang ika-6 na Xiangshan Forum na nilalahukan ng humigit-kumulang 500 opisyal at dalubhasa mula sa 49 na bansa at 5 pandaigdigang organisasyon, para talakayin ang isyu ng kooperasyong panseguridad ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Ang paksa ng kasalukuyang porum ay "Kooperasyong Panseguridad ng Asya-Pasipiko: Realidad at Hangarin."
Ayon sa ulat, dumalo sa porum na ito ang mga Ministro ng Tanggulang-bansa mula sa 16 na bansa na kinabibilangan ng Pilipinas.
Bukod dito, ipinadala rin ng Amerika, Pransya, Britanya, Alemanya at Hapon ang opisyal na delegasyon para sa porum na ito.