Isiniwalat kahapon ni Zhang Jiuhuan, Pangalawang Puno ng China Public Diplomacy Association, na itatatag sa susunod na buwan ang mekanismo ng diyalogo at kooperasyon ng Lancang-Mekong River, para pasulungin ang kooperasyon, mutuwal na kapakinabangan, at win-win situation ng 6 na bansa sa kahabaan ng ilog na ito.
Ayon kay Zhang, ang pagtatatag ng naturang mekanismo ay batay sa komong palagay na narating ng mga lider ng Tsina at mga bansa sa kahabaan ng Mekong River sa Ika-17 China ASEAN Summit na idinaos noong 2014 sa Myanmar. Ang mga layunin ng mekanismong ito ay kinabibilangan ng pagpapahigpit ng pagpapalagayan sa mataas na antas, magkakasamang pagharap sa mga di-tradisyonal na hamon sa seguridad, pagpapalawak ng kalakalan at pamumuhunan, pagpapalakas ng mga kooperasyon sa yamang-tubig, kalusugan, turismo, at iba pa.