Kahapon ay ang International Day for the Eradication of Poverty. Sa kanyang talumpati nang araw ring iyon, nanawagan si Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, para labanan ang kahiparan at diskriminasyon, habang isinasakatuparan ang agenda ng sustenableng pag-unlad hanggang sa taong 2030.
Sinabi ni Ban na ang nagdaang usapin ng pagbabawas ng kahirapan ay hindi sumaklaw sa lahat ng mga tao. Sa kasalukuyan aniya, labis na mahirap pa rin ang mahigit 900 milyong tao sa daigdig, pangunahin na dahil sa diskriminasyon. Kaya, sinabi ni Ban na mahalaga ang pag-aalis ng diskriminasyon para sa pagbabawas ng kahirapan.