Sa Phnom Penh — Ipinahayag kamakalawa ni Kao Kim Hourn, Kalihim ng Suliraning Pang-estado ng Ministri ng Diplomasya at Kooperasyong Pandaigdig ng Cambodia, na sa aspekto ng pagbibigay-tulong sa mga umuunlad na bansa para mapaunlad ang kabuhayan at mabawasan ang karalitaan, palagiang gumaganap ng positibong papel ang Tsina.
Aniya, sa pamamagitan ng pagbibigay ng walang-bayad na tulong, preperensyal na pautang, at pamumuhunan sa iba't-ibang larangan, nakalikha ang Tsina ng maraming pagkakataon sa trabaho para sa mga mamamayang Kambodyano. Ito aniya ay nakakatulong sa pagsasakatuparan ng pag-unlad sa kabuhayan at pagbabawas ng karalitaan sa Cambodia.
Dagdag pa niya, ang mungkahing "One Belt and One Road" na iniharap ng Tsina ay magsisilbing mabisang paraan para tulungan sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pagbabawas ng karalitaan ang mga bansa at rehiyon sa kahabaan nito.
Salin: Li Feng