|
||||||||
|
||
Nakipagpalitan ng palagay si Premiyer Li sa mga kalahok na kinatawan mula sa Agricultural Development Bank of China, China Construction Bank, Postal Savings Bank of China, at People's Insurance Company (Group) of China.
Paglaki ng pagbubukas ng pinansyal na industriya
Tinukoy ni Li na dapat pag-ibayuhin ang pagbubukas ng pinansyal na industriya, halimbawa, pababahin ang market entry threshold ng mga dayuhang kapital at lubos na patingkarin ang papel ng free trade zone bilang plataporma ng pagbubukas sa labas.
Pagkatig sa masusi at bagong industriya
Hinimok ni Li ang pagpapalakas ng credit support sa masusing larangang pangkabuhayan at para sa mga katam-tamang laki at maliliit na bahay-kalakal (SMEs). Bukod dito, dapat din aniyang katigan ang mga bagong industriyang gaya ng maunlad na pagyari, at muling pagpapalakas ng mga tradisyonal na industriya.
Pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan
Aniya pa, dapat ibigay ang mas malakas na pinansiyal na serbisyo para sa mga proyekto gaya ng renobasyon ng mga lumang bahay, patubig, at daambakal sa mga di-maunlad na rehiyon sa dakong gitna at kanluran ng bansa.
Pagpapaunlad ng internet finance
Aniya pa, dapat maayos at regular na paunlaran ang internet finance batay sa real economy.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |