Kamakailan, bumisita si Ning Fukui, Embahador ng Tsina sa Thailand, sa Nakhon Ratchasima, mahalagang lunsod sa linya ng tren ng Tsina at Thailand. Lumahok din siya sa Simposyum ng Tsina at Thailand hinggil sa kooperasyon ng dalawang bansa sa tren.
Ipinahayag ni Ning na kasabay ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayan ng Thailand, tiyak na lalo pang mapapabuti ang pagtatatag ng imprastruktura ng bansa. Ang operasyon ng tren ng Tsina at Thailand ay tiyak aniya magdudulot ng mainam na intrest sa iba't ibang larangan ng Thailand. Binigyan-diin din niyang mataas ang kalidad ng tren ng Tsina.
Salin:Sarah