|
||||||||
|
||
Sa London, Britanya—Nilagdaan kahapon ng China General Nuclear Power Corp. (CGN) at Electricite de France (EDF) ang estratehikong kasunduang pampuhunan para magkasamang itayo ang Hinkley Point C nuclear power project sa timog-kanluran ng England.
Batay sa nasabing kasunduan, ang CGN ay magkakaroon ng 33.5% ng stake samantalang ang EDF naman ay may 66.5%.
Ayon kay Punong Ministro David Cameron ng Britanya, ang itatayong istasyon ay magkakaloob ng maaasahan at murang enerhiya sa halos 6 na milyong pamilya at makakalikha ng 25,000 trabaho.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |