Ayon sa ulat ng media ng Amerika, sa loob ng darating na 24 oras, ang chaser destroyer na ipapadala ng Amerika ay papasok sa rehiyong pandagat ng South China Sea, posibleng maglalayag ito sa paligid ng Meiji Reef. Lilipad din sa rehiyong ito ang reconnaissance airplane ng Amerika sa rehiyong ito.
Hinggil dito, ipinahayag kahapon ni Zhu Haiquan, Tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Amerika na ang "kalayaan ng nabigasyon" ay hindi katwiran sa paglabag sa soberaniya at kaligtasan ng ibang bansa. Hinimok aniya ng Tsina na huwag isagawa ng Amerika ang anumang aksyong probokatibo, dapat isagawa ang responsableng aksyon para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Salin:Sarah