Ipinahayag kahapon ng Palasyong Pampanguluhan ng Timog Korea ang nakatakdang pagdaraos ng kauna-unahang pag-usap sa pagitan nina Pangulong Park Geun-hye ng Timog Korea at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa Seoul, sa ika-2 ng Nobyembre.
Nauna rito, ihahanda rin ang pag-uusap ng mga lider ng Tsina, Timog Korea at Hapon sa Seoul, mula unang araw ng Nobyembre.
Idinagdag ng T.Korea na magpapalitan ng kuru-kuro ang tatlong panig hinggil sa kanilang pagtutulungan sa kabuhayan, kaunlarang panlipunan, people-to-people exchanges, kalagayan sa Hilagang-Silangang Asya, kooperasyong panrehiyon at iba pa.